Huwebes, Nobyembre 24, 2011

TIPS PARA MAKAMOVE-ON:)

Bigo ka ba sa PAG-IBIG? 
Nahihirapan ka bang maka-on? 
Hindi mo ba alam kung ano ang dapat mo gawin?
Subukan mong basahin itong blog ko baka makatulong sayo:)

  1.  Alisin mo ang mga bagay na nagpapaalala sayo sa kanya, mga bagay na bigay niya. Itago mo kung nanghihinayang kang itapon.
  2. Kung naka-Add siya sayo bakit di mo muna siya iblock? Tanggalin mo mga pictures ninyo sa album mo.
  3. Try mo delete digit niya sa phone mo o kung kabisado mo naman,huwag mo na siyang itext pa. Pero kung siya ang nagtetext aba magpalit ka na ng number.
  4. Huwag magmukmok sa kwarto.Kasi maari mo pa siyang maisip at maalala mo po mga masasayang alaala niyo.
  5. Makihalubilo sa kaibigan o tropa mo. Pwede mo ring ilabas sama ng lob mo sa pamamagitan ng pagshare ng problema mo.
  6. Iiyak mo kung hindi mo na talaga kaya ang sakit na nararamdaman mo. Para sa ganun maibsan manlang ang bigat ng dinadala mo.
  7. Uso na ang internet di ba? So bakit di mo kaya try libangin sarili mo sa pakikipagchat. Meet new friends. (Pero ingat ka lang huwag basta basta makikipagkita o maniniwala sa mga taong kakikilala lang sa internet.)
  8. Marami na games sa net now di ba? Bakit di mo try maglaro ng ANGRY BIRDS? Para mailabas mo yong galit mo, nag enjoy ka na Di ka pa nakasakit ng iba.
  9. Makinig ng mga rock music o kahit na anung music na maganda sa tenga mo. ( Huwag love song baka kasi madala ka sa kanta at maalala mo na naman siya)
  10. Kung may pera ka naman aba GO SHOPPING with friends basta dapat marunong ka magtipid ah.( Baka maya maubos pera mo sa pagshopping dahil lang sa broken hearted ka)
  11. Kung malapit ka sa bundok o dagat, ayain mo friends mo. At dun mo isigaw sama ng loob mo.
  12. Isipin mo na lang na hindi lang siya ang lalaki/babae sa mundo. Isipin mo na maaring hindi siya ang para sayo na may darating na talagang para sayo. Kung ikaw ang nagkamali, tanggapin mo ang pagkakamali mo at kung siya naman ang may kasalanan be thankful na lang dahil kahit papaano natapos na rin paghihirap mo sa kanya.:)
  13. Last, matuto kang lumaban sa kalungkutan. Always think POSITIVE. Be brave. Sinusubukan lang naman kasi tayo ni God kung gaano tayo katatag at katapang na harapin ang bawat kabiguan.



***** AFTER THE RAIN,THERE'S A RAINBOW*****

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento