Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

LOVE..LOVE..LOVE........


Ang LOVE ay kusang nararamdaman ng isang tao. Hindi ito sapilitan sapagkat ang tunay na PAG-IBIG totoong nararamdaman, ito'y di inaasahan at ito'y kusang dumarating lang.
Pansinin mo ang iyong sarili kapag ika'y may nakilala. Ikaw ba'y nakakaramdam ng kakaiba?

Senyales na INLOVE KA NA SIS!

  • Di ka mapalagay kapag kasama mo siya?
  • At pag di mo siya nakikita namimiss mo agad siya.
  • Sa tuwing dadaan ka sa isang lugar na lagi niyang tinatambayan, mga mata mo'y laging nakasubaybay. Nagbabakasakali na siya ay matanaw.
  • Pag andun naman siya at nahuli kang nakatingin,mararamdaman mo nalang na namula na ang pisngi mo.(uy Blushing siya..:]
  • Pag inaasar ka niya pinapakita mong naiinis ka pero pag tumigil na siya gusto mo naman yong mapansin ka.
  • At kapag ibang girls naman ang pinapansin Niya, bigla ka nalang nagtataray jan..(hehe girls talaga oh)
  • Dati hindi mo ugaling magtext pero mula nung kinuha niya number mo HIMALA lagi ka ng nagpapaload..(Minsan nangungutang pa talaga sa tindahan para lang makapagreply:) hehe)
  • Kapag di na kayo magkasama, Text nya agad ang una mong mataggap.
  • Beep!Beep!Beep! Excited mabasa yong message at umaasang siya ang nagTEXT. ( Yes may nagtext! sana siya nga;)
  • Ngunit hindi sya, GM pala. hmp!!! Sabay bato ng CP at sabay sabi ng " Anu ba yan GM ng GM wala namang kwenta. :))
  • Pag siya naman ang nagtext, bigla na lang abot tenga ang ngiti. (Kinikilig pa yan for sure! )
  • Bago matulog CP ang katabi
  • Kahit wala naman new message kala mo may text, yun pala paulit-ulit na binabasa mga messages nya
  • Madalas nakasave pa sa OUTBOX at halos mafull memory na di pa rin ineerase
  • Sa umaga naman CP agad tinitignan( Baka kasi nagtext siya)
  • Gabing gabi na di pa rin natutulog kasi katext mo sya, kung hindi man nagpupuyta kakaantay sa text niya
  • Minsan naman panakaw ka kung kunan siya ng picture,hindi ba?
  • at sa gabi halos matunaw na ang picture niya kakatitig mo
  • minsan nga nkalagay pa sa ilalim ng unan mo eh pinagdarasal mo na siya ang MAPANAGINIPAN mo...
  • Bibili ka lang sa kanto, nakapulbos pa.. Nahiya ka baka kasi nasa tindahan din siya.
  • Masyado kang conscious sa pananamit mo na dati rati'y wala kang pakialam kahit na marumi na damit mo..

Ito ay ilan lang sa mga bagay na kakaiba sa atin kapag NAIINLOVE na tayo.
Minsan di pa naten ito nalalaman na may nagbabago na sa kilos natin.
SENYALES pala ito na tayo ay INLOVE NA!! Di lang natin pansin.


-@#$ THE END^%$


Subaybayan ang susunod na aking ibabahagi sa inyo...) Good Night!!

7 komento:

  1. nice! may naiisip akong tao sa bulet no. 2, 5, 11, 14, galing nyan may maiisip k tlgang tao pag tunay kang nainlove hehe hehe hehe

    TumugonBurahin
  2. thanks po..:) ganyan talaga pag inlove. hehe

    TumugonBurahin
  3. tama ang sinabi mo haist.......hirap talaga ma inlove lalo na kpag dina pwede....i mean is kung married kana...

    TumugonBurahin
  4. ^---bakit itinuturing mo bng sumpa ang pagkakaroon ng asawa? mas masarap nga mainlove pg asawa mo na e

    TumugonBurahin
  5. hehehe.. kaya dapat if married na u shud know how to control urself at kung paano umiwas mainlove sa iba upang di na lumala ang nararamdaman.. para hindi ka makasakit ng damdamin ng iba:))


    -tama masarap mainlove esp pag kasama mo na sya.:)

    TumugonBurahin
  6. Waaah! sapol ako much dito! Madali ko syang ma-miss, saklap pa nito mukha nya ang pumuputakte sa isip ko bago matulog. di ko kayang burahin text nya sa akin, kahit wala namang kwenta minsan. mataray ako at nag-eemote kapag iba ang katawanan nya.

    Waha! Ang kyot lang namin minsan...pag inaasar kami sa isat-isa, andamin kong sinasabing out of topic, pero sya bigay-tawa...minsan pasimuno pa! kainis ang ganun

    TumugonBurahin
  7. Grand Casino, Resort & Spa - Mapyro
    Located in Grand Valley, the 대전광역 출장마사지 Grand Casino Hotel features a 시흥 출장샵 24-hour casino with 50 of the most 파주 출장샵 popular slots and video 안동 출장샵 poker machines, as well 광양 출장안마 as a

    TumugonBurahin