Huwebes, Nobyembre 24, 2011

"BREAK-UP" :(

Lahat ng tao ay nakakaranas ng kabiguan,sakit at pighati sa isang relasyong akala natin ay totoo na at wala ng katapusan,subalit ito pala ay maglalaho lang. Umasa kang siya na ang itinakda ngunit ika'y nagkamali.
Ito ang pinakamasakit na kabanata ng storya ng buhay pag-ibig . Ang masaktan/mabigo ang isa pang dulot ng Pag-ibig
Ngunit bakit ka nga ba nasasaktan? Simple lang naman ang sagot diyan, Dahil ikaw ay marunong magmahal ng totoo at tunay. Nagmahal ka ng walang hinihintay na anumang kapalit ngunit sa huling banda pala ay ito (BREAK-UP) ang magiging sukli.
Lahat ginawa mo na? OO, ginawa mo nga lahat, andun na yong nagpakatanga ka (sorry for the word), walang inisip kundi siya sa lahat ng Oras, binalewala ang lahat para lamang sa kanya ngunit feeling mo kulang pa ang ginawa mong sakripisyo.
 Bakit nga ba? Anu ang pagkukulang ko? Kulang pa ba para iwan mo ako?-------> Kadalasang tanong mo minsan nga sinisisi mo pa sarili mo.Ngunit kung ginawa mo talaga ang lahat then hindi mo dapat sisihin o saktan ang sarili mo. Bakit ko nasabi?    
Kasi may ilang taong nabigo ang sinasaktan ang sarili ng dahil sa nangyari,tulad na lang ng paglalaslas, pag-inum ng lason, pagmukmok sa kwarto ng di kumakaen at pag-inum ng alak ng walang humpay ay ilan lamang sa mga ginagawa ng ibang taong nabigo. Hindi nga ba't totoo ito?
Subalit,ito ang iyong pakakatandaan: Sinaktan ka na niya kaya bakit mo pa sasaktan ang sarili mo ng dahil sa KANYA? Hahayaan mo bang mawalan ng saysay ang iyong buhay habang siya ay masaya? (Pero di ko sinasabing ikaw ay gumanti)

Laging pakatandaan na ang BREAK UP ay isa lamang paraan upang inyong malaman na kayo ay hindi para sa isa't isa. Na may nakalaan para sayo na mas higit pa sa kanya, na mamahalin ka ng higit sa pagmamahal na binigay mo sa taong ng-iwan sayo.
Mahirap tanggapin ngunit kailangang yakapin, ang katutuhanang ika'y di laan para sa akin.-- Ito ang iyong sabihin at itatak sa iyong isipan upang siya'y iyong malimutan.
*Tandaan mo kapag nakilala mo na ang tunay na magmamahal sayo, baka magpasalamat ka pa sa EX mo dahil kung hindi dahil sa ginawa niya hindi mo makikilala ang taong ngayon ay tunay na na laan para sayo.*

4 (na) komento:

  1. alam mo ako na si anonymous kahit na break ako dko ginawa ung mga sample na sinabi mo, kasi sabi ko sarile ko, pwede ko naman sya mahalin kahit d nya ako mahal e. nasasaktan kalang kasi makasarile ka, gusto mong ikaw ang mahalin ng taong hindi ka naman mahal. love is not just a matter of happiness, its a matter of care.

    TumugonBurahin
  2. thanks anonymous:)) tama ka jan:)) kaya nga ang love ay may kasamang pagsakripisyo.. yan din nakalagay sa blog ko ngaun.:) thanks:)

    TumugonBurahin
  3. ^..^ nice one :p

    TumugonBurahin