Simple lang ang CRUSH ay paghanga at ang LOVE ay pag-ibig.
Pero anu ba talaga ang ibig sabihin nito? Paano nating masasabi na ang nararamdaman nating paghanga ay isa na palang PAG-IBIG?
Ang CRUSH o paghanga ay unang nararamdaman kesa sa LOVE. Kapag nakakakita ka ng opposite o same sex man ay naattract ka na dito at madalas lumabas sa bibig na "CRUSH KO NA NA SIYA." ito ay dahil maaring humahanga ka sa physical, ugali o characteristics ng isang tao. Para sa akin matatawag ko ang crush na new born feelings toward opposite or same sex man ito. Bakit? Kasi habang tumatagal nag-iiba ito, maaring mawala o magpatuloy ito. Hal. crush mo siya dahil sa ugali nyang maganda ngunit di naglaon nalaman mo ang tunay niyang ugali at naturn-off ka,so biglang nawala yong nararamdaman mong paghanga sa kanya.
Ngunit kung ang paghangang iyon ay hindi nagbago sa kabila ng ugali niya, nawala man ganda niya at habang tumatagal ay lalong tumitindi ang paghanga mo sa kanya dun na pumapasok yong tinatawag nating LOVE. Sapagkat ang LOVE ay ang pagtanggap sa isang tao maging positibo o negatibo man ang ugali nito. Minsan pag naramdaman na natin ito,pakiwari mo siya na ang pinakamaganda o gwapo sa paningin mo, lagi mo na siyang binibida sa barkada o pinagtatanggol. Wala ka ng pakialam sa sinasabi ng iba patungkol sa kanya.
Love ay isang bagay na hindi kailanman nabibili.
Ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng bagay na bigay ng Diyos.
Sapagkat maaari ka nitong baguhin na maging mabuting tao o masama. Depende kung ano ang ibig sabihin ng PAG-IBIG para sayo.
Subalit para naman sa akin ang LOVE ay ang pagmamahal sa tao kahit gaano man ito kasama, may kulang man sa kanya o wala. At hindi naghahangad ng anumang bagay na wala sa kanya. Hindi ba't minsan nga kahit hindi ka niya mahal ay pinapakita mo pa rin sa kanya na mahal mo siya? Kasi ang LOVE ay may kasamang SAKRIPISYO. Ito ay hindi makasarili bagkus ito ay mapagbigay. Kung sakaling ang mahal mo ay may mahal ng iba, para sa kanyang ikaliligaya ay ipapaubaya mo siya kahit na masaktan ka pa (It is called SACRIFICE).
*Magkaiba man ang ibig sabihin ng dalawa may isang bagay na pareho sila............Ito ay ang hatid na INSPIRASYON sa mga taong nakakaramdam nito.:)
P.S---- Pansinin mo, hindi ba't kadalasan ay mas marami tayong naging crush kumpara sa love (Opposite or same sex)? Ilan ba ang naging Crush mo? At ilan naman ang naging Love mo? Mas marami ang crush sa tingin ko.
Bakit? Dahil ang CRUSH ay panandalian lamang at kadalasang ginagamit natin dito ay ang ating mga mata. Samantalang sa LOVE ang puso mismo natin at nakakaramdam na mahal na natin ang isang tao. At kapag puso ang umiral minsan hindi na natin nagagamit ng tama ang isip kahit na ito ay nakalagay sa mas mataas na parte ng ating katawan.