Huwebes, Nobyembre 24, 2011

Anu ba ang CRUSH? Anu ba ang LOVE? At anu ang pinagkaiba nila?

Simple lang ang CRUSH ay paghanga  at ang LOVE ay pag-ibig. 
Pero anu ba talaga ang ibig sabihin nito? Paano nating masasabi na ang nararamdaman nating paghanga ay isa na palang PAG-IBIG?


Ang CRUSH o paghanga ay unang nararamdaman kesa sa LOVE. Kapag nakakakita ka ng opposite o same sex man ay naattract ka na dito at madalas lumabas sa bibig na "CRUSH KO NA NA SIYA." ito ay dahil maaring humahanga ka sa physical, ugali o characteristics ng isang tao. Para sa akin matatawag ko ang crush na new born feelings toward opposite or same sex man ito. Bakit? Kasi habang tumatagal nag-iiba ito, maaring mawala o magpatuloy ito. Hal. crush mo siya dahil sa ugali nyang maganda  ngunit di naglaon nalaman mo ang tunay niyang ugali at naturn-off ka,so biglang nawala yong nararamdaman mong paghanga sa kanya. 


Ngunit kung ang paghangang iyon ay hindi nagbago sa kabila ng ugali niya, nawala man ganda niya at habang tumatagal ay lalong tumitindi ang paghanga mo sa kanya  dun na pumapasok yong tinatawag nating LOVE. Sapagkat ang LOVE ay ang pagtanggap sa isang tao maging positibo o negatibo man ang ugali nito. Minsan pag naramdaman na natin ito,pakiwari mo siya na ang pinakamaganda o gwapo sa paningin mo, lagi mo na siyang binibida sa barkada o pinagtatanggol. Wala ka ng pakialam sa sinasabi ng iba patungkol sa kanya.
Love ay isang bagay na hindi kailanman nabibili.
Ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng bagay na bigay ng Diyos. 
Sapagkat maaari ka nitong baguhin na maging mabuting tao o masama. Depende kung ano ang ibig sabihin ng PAG-IBIG para sayo.
Subalit para naman sa akin ang LOVE ay ang pagmamahal sa tao kahit gaano man ito kasama, may kulang man sa kanya o wala. At hindi naghahangad ng anumang bagay na wala sa kanya. Hindi ba't minsan nga kahit hindi ka niya mahal ay pinapakita mo pa rin sa kanya na mahal mo siya? Kasi ang LOVE ay may kasamang SAKRIPISYO. Ito ay hindi makasarili bagkus ito ay mapagbigay. Kung sakaling ang mahal mo ay may mahal ng iba, para sa kanyang ikaliligaya ay ipapaubaya mo siya kahit na masaktan ka pa (It is called SACRIFICE).


 *Magkaiba man ang ibig sabihin ng dalawa may isang bagay na pareho sila............Ito ay ang hatid na INSPIRASYON sa mga taong nakakaramdam nito.:)




P.S---- Pansinin mo, hindi ba't kadalasan ay mas marami tayong naging crush kumpara sa love (Opposite or same sex)? Ilan ba ang naging Crush mo? At ilan naman ang naging Love mo? Mas marami ang crush sa tingin ko.
Bakit? Dahil ang CRUSH ay panandalian lamang at kadalasang ginagamit natin dito ay ang ating mga mata. Samantalang sa LOVE ang puso mismo natin at nakakaramdam na mahal na natin ang isang tao. At kapag puso ang umiral minsan hindi na natin nagagamit ng tama ang isip kahit na ito ay nakalagay sa mas mataas na parte ng ating katawan.

TIPS PARA MAKAMOVE-ON:)

Bigo ka ba sa PAG-IBIG? 
Nahihirapan ka bang maka-on? 
Hindi mo ba alam kung ano ang dapat mo gawin?
Subukan mong basahin itong blog ko baka makatulong sayo:)

  1.  Alisin mo ang mga bagay na nagpapaalala sayo sa kanya, mga bagay na bigay niya. Itago mo kung nanghihinayang kang itapon.
  2. Kung naka-Add siya sayo bakit di mo muna siya iblock? Tanggalin mo mga pictures ninyo sa album mo.
  3. Try mo delete digit niya sa phone mo o kung kabisado mo naman,huwag mo na siyang itext pa. Pero kung siya ang nagtetext aba magpalit ka na ng number.
  4. Huwag magmukmok sa kwarto.Kasi maari mo pa siyang maisip at maalala mo po mga masasayang alaala niyo.
  5. Makihalubilo sa kaibigan o tropa mo. Pwede mo ring ilabas sama ng lob mo sa pamamagitan ng pagshare ng problema mo.
  6. Iiyak mo kung hindi mo na talaga kaya ang sakit na nararamdaman mo. Para sa ganun maibsan manlang ang bigat ng dinadala mo.
  7. Uso na ang internet di ba? So bakit di mo kaya try libangin sarili mo sa pakikipagchat. Meet new friends. (Pero ingat ka lang huwag basta basta makikipagkita o maniniwala sa mga taong kakikilala lang sa internet.)
  8. Marami na games sa net now di ba? Bakit di mo try maglaro ng ANGRY BIRDS? Para mailabas mo yong galit mo, nag enjoy ka na Di ka pa nakasakit ng iba.
  9. Makinig ng mga rock music o kahit na anung music na maganda sa tenga mo. ( Huwag love song baka kasi madala ka sa kanta at maalala mo na naman siya)
  10. Kung may pera ka naman aba GO SHOPPING with friends basta dapat marunong ka magtipid ah.( Baka maya maubos pera mo sa pagshopping dahil lang sa broken hearted ka)
  11. Kung malapit ka sa bundok o dagat, ayain mo friends mo. At dun mo isigaw sama ng loob mo.
  12. Isipin mo na lang na hindi lang siya ang lalaki/babae sa mundo. Isipin mo na maaring hindi siya ang para sayo na may darating na talagang para sayo. Kung ikaw ang nagkamali, tanggapin mo ang pagkakamali mo at kung siya naman ang may kasalanan be thankful na lang dahil kahit papaano natapos na rin paghihirap mo sa kanya.:)
  13. Last, matuto kang lumaban sa kalungkutan. Always think POSITIVE. Be brave. Sinusubukan lang naman kasi tayo ni God kung gaano tayo katatag at katapang na harapin ang bawat kabiguan.



***** AFTER THE RAIN,THERE'S A RAINBOW*****

"BREAK-UP" :(

Lahat ng tao ay nakakaranas ng kabiguan,sakit at pighati sa isang relasyong akala natin ay totoo na at wala ng katapusan,subalit ito pala ay maglalaho lang. Umasa kang siya na ang itinakda ngunit ika'y nagkamali.
Ito ang pinakamasakit na kabanata ng storya ng buhay pag-ibig . Ang masaktan/mabigo ang isa pang dulot ng Pag-ibig
Ngunit bakit ka nga ba nasasaktan? Simple lang naman ang sagot diyan, Dahil ikaw ay marunong magmahal ng totoo at tunay. Nagmahal ka ng walang hinihintay na anumang kapalit ngunit sa huling banda pala ay ito (BREAK-UP) ang magiging sukli.
Lahat ginawa mo na? OO, ginawa mo nga lahat, andun na yong nagpakatanga ka (sorry for the word), walang inisip kundi siya sa lahat ng Oras, binalewala ang lahat para lamang sa kanya ngunit feeling mo kulang pa ang ginawa mong sakripisyo.
 Bakit nga ba? Anu ang pagkukulang ko? Kulang pa ba para iwan mo ako?-------> Kadalasang tanong mo minsan nga sinisisi mo pa sarili mo.Ngunit kung ginawa mo talaga ang lahat then hindi mo dapat sisihin o saktan ang sarili mo. Bakit ko nasabi?    
Kasi may ilang taong nabigo ang sinasaktan ang sarili ng dahil sa nangyari,tulad na lang ng paglalaslas, pag-inum ng lason, pagmukmok sa kwarto ng di kumakaen at pag-inum ng alak ng walang humpay ay ilan lamang sa mga ginagawa ng ibang taong nabigo. Hindi nga ba't totoo ito?
Subalit,ito ang iyong pakakatandaan: Sinaktan ka na niya kaya bakit mo pa sasaktan ang sarili mo ng dahil sa KANYA? Hahayaan mo bang mawalan ng saysay ang iyong buhay habang siya ay masaya? (Pero di ko sinasabing ikaw ay gumanti)

Laging pakatandaan na ang BREAK UP ay isa lamang paraan upang inyong malaman na kayo ay hindi para sa isa't isa. Na may nakalaan para sayo na mas higit pa sa kanya, na mamahalin ka ng higit sa pagmamahal na binigay mo sa taong ng-iwan sayo.
Mahirap tanggapin ngunit kailangang yakapin, ang katutuhanang ika'y di laan para sa akin.-- Ito ang iyong sabihin at itatak sa iyong isipan upang siya'y iyong malimutan.
*Tandaan mo kapag nakilala mo na ang tunay na magmamahal sayo, baka magpasalamat ka pa sa EX mo dahil kung hindi dahil sa ginawa niya hindi mo makikilala ang taong ngayon ay tunay na na laan para sayo.*

Martes, Nobyembre 22, 2011

Gaano ba kaimportante ang pagseselos ng partner mo?

Anu ba ang SELOS?
Maganda ba ito sa isang relasyon?
Gaano ito nakakaapekto sa inyong relasyon?


---> Para sa akin ang SELOS ay normal na nararamdaman ng isang tao para sa taong kanyang minamahal. Ngunit maganda nga ba ito sa isang relasyon? Depende rin po sa sitwasyon.
Kung ginagawa na niya itong BISYO o HUBBY ay hindi na ito maganda. Maganda sapagkat doon mo nalalaman na MAHAL ka nga ng partner mo, na ayaw ka nyang mawala sa iyo. Na takot syang maagaw ka ng iba. Ngunit kung sobra sobra na ang pagseselos ng isang tao kahit na wala ka namang ginagawa ay GAANO ba ito nakakaapekto sa inyong RELASYON? Kapag nagseselos ang isang tao hindi nito maiiwasan na mag-isip ng negatibong bagay. Kaya ang kinahihinatnan ay ang kawalan ng TIWALA sa karelasyon at kapag ngyari na ito malaking problema na ang kahaharapin ng magkarelasyon. Dahil ito na ang pagmumulan ng away at di magandang unawaan. 

Ang selos ay maganda sa isang relasyon paminsan-minsan. Ngunit huwag itong gawing bisyo sapagkat ito ay maaaring ikawalang gana ng iyong karelasyon kung lagi mo syang pagseselosan o pag-iisipan sa tuwing may kasama syang hindi mo kilala o maging kilala mo man. Laging isipin na sa isang relasyon MASAMA ang SOBRA.! :)))